Job Order Worker Norm # 3: Be punctual

Posted: November 25, 2015 in RAWITDAWIT, Uncategorized
Tags:

 

Lasang ampalaya
ang nakalubid na dila
kahapon na nakalaylay
mula sa paminggalan
hanggang sa one lane
na kalsada
maging hanggang doon
sa dalirayan ng mesa
sa opisina;

hindi tinanghali
nang gising ang araw
o namaluktot sa higaan
ang naghihingalong umaga
ng Nobyembre
at may bantang uminin
ng ilang hilik
bilang pakikisabwat
sa tamad at malamig
na krimen ng simoy pasko.

Hindi iyon ang salarin
kung bakit huli ako
kahapon sa opisina.

Kundi hindi una
ang opisina sa magulang
na nagtatakipsilim sa umaga

Leave a comment