Archive for July, 2019

laging naiiwan

Posted: July 12, 2019 in TULA, Uncategorized

 

naging hangganan ng mga bundok
ang bagumbayan norte isang gabi
nangatipon doon an mga bato’t tubig ilog
nagsilangoy doon ang mga isdang piling-pili

bisikleta, traysikol,dyip, berlina
at ang mga bangketa’y pagtatalo-sira
kung sasabay ba o sasalungat sa agos
kakapit ba sa bato o payayakap sa lumot

nagmistulang ulilang ilog ang bagumbayan
bato’y makikinis walang lumot na makapitan
bandang hatinggabi at di ko maintindihan
kung saan`at paano gagamitin itong sagwan

PAMANA

Posted: July 4, 2019 in Uncategorized

Writer: Buboy Aguay

MGA TAUHAN

CARMELA, late 20s, nagsosolo sa buhay sa kanilang bahay sa Bikol, published author
ng isang poetry book, matagal nang hinahanap ang nawawalang ama

ARTHUR, mid 20s, tubong Maynila, libangan lamang ang pagdalo sa mga poetry
slam,tagapagmana ng malawak na lupain sa Bikol

SANDRA, mid 50s, ina ni Arthur

VICKY, late 20s, matalik na kaibigan at malayong kamag-anak ni Carmela, komikera

ERIC, late 20s, organizer ng poetry slam

MANG BASILIO, 60s, dating katrabaho ng ama ni Carmela

ALING LUISA, 60s, asawa ni Mang Basilio

LANDO, 40s, anak ni Mang Basilio, tahimik, misteryoso

LISA, 50s, biyuda ni Arthur

2
MANG DADO, 50s, katiwala ni Arthur sa farm

1A. EXT. BAKURAN NG ISANG LUMANG BAHAY. UMAGA

Makikita ang kabuuan ng bahay mula sa itaas, sa labas, maririnig ang mga ibon at
makikita ang iba pang hayop sa bakuran. May kalapating dadapo sa pasamano ng
bintana.

CUT TO:

1B. INT. SILID TULUGAN. UMAGA

Binubuksan ni Carmela ang isang aparador. Ilalabas ang isang maliit na baul. Mauupo
sa isang upuang kahoy. Ilalagay sa lap ang baul. Hahaplusin ang ibabaw ng baul.
Kakalagin ang laso. Hahaplusin uli. Dahan-dahang aalisin ang takip. At isa-isang
ilalabas ang laman ng kahon: tuyong rosas, lumang kuwintas, pulseras, aklat,certificate,
land titles, etc.

Bubuksan ang nakarolyong certificate.

2. INT. FLASHBACK: ART CAFE. GABI.

3

Nakaupo sa isang table sina CARMELA at VICKY. Nakatayo naman sa isang sulok ng
cafe ang ilang kalalakihan na nagkukuwentuhan. Malalakas ang boses at tawa
paminsan-minsan. Nasa grupong iyon ang kinatawan ng NCR na si ARTHUR. May
nakapaskil na POETRY SLAM CONTEST sa backdrop ng stage at may staff na abala
sa paghahanda.

VICKY
Yan ba ang makakalaban mo sa poetry slam? Ang guwapo! Ang puti!

CARMELA
Ang sabihin mo hindi nasisikatan ng araw!

VICKY
Ang kinis-kinis!

CARMELA
Hindi sanay sa trabaho!

VICKY
At ang ang mga mata, nang-aakit!

CARMELA

4

Nang-aakit ng bakla!

VICKY
Ano ka ba? Kunting gender sensitivity naman, teh!

CARMELA
Totoo naman ang sinasabi ko ah. Ikaw lang itong nagkakandarapa diyan.

VICKY
Naku, pag- ganyan ka ng ganyan, aba, eh, sino nga naman ang matiyagang manligaw
saiyo?

CARMELA
O ba’t sa akin nabaling ang usapan?

VICKY
Halika teh, o ayan ang napakalaking salamin, the last time I checked, may kandidato na
naman sa pagiging old maid! Certified! Poet pa man din at ang hirap lapitan! Ang sungit
teh! At pag hindi pa siya nakahanap ng pag-ibig sa okasyon na ‘to,gudbay na sa
pamanang lupa ni Eba dahil walang magbubungkal, walang Adan.

CARMELA
Ang sakit mo namang magsalita.

5

VICKY
Teh, masakit talaga ang katotohanan!

ERIC
At ngayon, tawagin na natin ang pambato ng Maynila, Arthur Montalban.

VICKY
Naku teh, si prince charming na ang tutula! Halika na dali!

ARTHUR
Madalas po akong mapagkamalang artista, lalo na sa probinsiya, pero hindi po sa
pagmamayabang, maraming gustong mag offer sa akin ng pelikula pero ayoko, mas
gusto ko pa ring maging simpleng taong tumutula ng spoken word poetry sainyo!

VICKY
Ang galing! Intro pa lang may hatak na sa audience!

ARTHUR
Simple lang naman ang kaligayahan ko eh, ang makinig kayo sa tula ko at kahit walang
premyo, ang mapasaya kayo ay panalo ko na.

VICKY

6

Galing mo! Lodi!

ARTHUR
Palakpakan lamang ang tanging hinihintay ko kasi ang palakpak ninyo ang
nagpapalakas ng loob ko, ang palakpak ninyo ang siyang nagiging musika sa pandinig
ko kaya para simulan ang tulang ito, masigabong palakpakan nga uli mula sa inyo.

VICKY
Woooohooo! Hoy! Carmela ano ba? Bakit ganyan ang mukha mo!?

CARMELA
Ayoko na yatang sumali.

VICKY
Hala. Bakit?

CARMELA
Wala.

VICKY
Huwag mong sabihing natatakot ka sa kalaban mo?

CARMELA

7

Hindi ah.

VICKY
Ah alam ko na, oyyy, nahuhulog na ang loob mo kay pogi ‘no? Kaya gusto mo ng
magpatalo para sa kanya mapunta ang korona at saiyo naman ang puso niya!

CARMELA
Loka loka! May tiwala ako sa kakayahan ko sa pagtula. Ayoko lang makipagtapatan sa
hambog na city boy na yan.

VICKY
Naku, naku, naku, naku. Yan ang huwag na huwag na huwag mong gagawin teh.
Inaasahan ka ng ating bayan! Itayo mo ang bandera ng mga bikolana. Ilampaso mo
sila!

CARMELA
Ikaw talaga, hindi ko alam kung kanino ka kakampi. Kanina na lang eh halos umikot
iyang puwet mo sa kilig!

VICKY
Kasi ganito yan teh, kapag lumabas ka diyan at tumula, e di manonod siya saiyo, at

8

makikita niya kung gaano ka kagaling, tapos, kahit sino ang manalo sa inyo ang suma
total, eh, kakausapin ka niya, magkakakilala kayo, magkukuwentuhan, yayain ka niyang
sumayaw o mamasyal sa labas, hahawakan ang iyong kamay at tutulaan ka ng
pabulong ng tulang ikaw lamang ang nais niyang makarinig, eeeeeeehhh, di ba, ang
sarap non? Happy ending kayong dalawa! At higit sa lahat, hindi ka na magiging virgin
forever!

3. EXT. DAAN. GABI.
Naglalakad pauwi ng bahay nila sina Carmela at Vicky.

VICKY
Ano bang nangyari teh. Bakit ganoon?

CARMELA
Ikaw lang naman ang ilusyonada. Kita mo, matapos niyang abutin ang premyo bilang
pinakamagaling na magdeliver ng spoken word poetry ng buong Luzon, ni hindi
nakipagkamay sa akin. Bastos niya noh.

VICKY
Tapos, sa party ni minsan ay hindi ka man lang niya tiningan o kinausap. Lagpas lagi

9

ang tingin. Maling damit yata ang pinahiram ko sa iyo, teh, walang appeal sa kanya!
Ayon biglang naglaho sa party at iba yata ang kinalantari.

CARMELA
Hay naku, Vicky hindi ko kailangan ang atensyon ng lalaking iyon noh.

VICKY
Aha!

CARMELA
O, bakit?

VICKY
Teh, sa reaksyon mo, mukhang inabangan mo rin talaga na magkakilala kayo no!

CARMELA
Hindi! At nagpapasalamat ako, dahil tapos na ang okasyon at hindi ko na makikita ang
pagmumukha ng lalaking yon! (Makikita ni Carmela na nakamulagat ang mata ni Vicky
at inginunguso nito ang mga nasa tapat ng bahay ni Carmela)

Makikita rin ni Carmela si Eric at si Arthur na nag-aabang sa may gate.

CARMELA

10

Anong ginagawa ninyo dito?

ERIC
Carmela, alam mo namang karamihan sa mga delegates ay mga lalaki, at iyong ibang
members ng writers circle ay foster family na ng ibang delegates. Okay lang ba na dito
siya sa bahay ninyo tumuloy. Ah Arthur, siya nga pala, si Carmela.

ARTHUR
Oo, alam ko na ang pangalan niya.

ERIC
At si Vicky, kaibigan namin.

VICKY
Hi, Im Vicky. At naniniwala sa kasabihang, kapag ang tadhana ay magbiro kay Carmela
ka titino. I thank you. Have a nice day. Keep the change. Keep me!

ARTHUR
Palabiro pala itong kaibigan n’yo!

VICKY
I beg to disagree, hindi po ako palabiro, lahat ng sinasabi ko ay totoo.

11

CARMELA
(Hihilahin ni Carmela si Eric) Eric naman, bakit naman sa akin mo patitirahin tong
kumag na to!

ERIC
Eh, akala ko ba malinaw na sa atin na mag aadopt tayo ng mga delegates?

CARMELA
Oo, pero ba ito?

ERIC
Ha? Bakit? Ano ba ang problema kung siya?

CARMELA
Ah, eh, ang ibig kong sabihin, ay bakit lalaki ang na-assign sa akin at hindi babae?

ERIC
Carmela, bahay mo lang ang medyo presentable lalo na sa mga taga Maynila. Saka na
tayo mag usap ha, kung talagang ayaw mo, at least ngayong gabi lang ha, aayusin ko
ito bukas.

CARMELA

12

Pramis yan ha?

ERIC
Oo. Arthur, ipasok na natin ang gamit mo sa loob.

VICKY
Bye Carmela. Ikaw ha, lakas mo tumadhana!

CARMELA
Baliw! Siya sige na.

VICKY
Pag ni-rape ka, huwag ka ng masyadong tumutol ha?

CARMELA
Baliw talaga to. Hindi mo ba natatandaan, blackbelter ito!

4. INT. BAHAY NI CARMELA. GABI
Papasok si Carmela sa bahay kasunod si Eric at si Arthur na halatang exhausted na.
Matapos maipasok ni Eric ang mga gamit ni Arthur ay nagpaalam na rin ito.

CARMELA
(Halatang napipilitan lang)

13
Ito ang guest room. Help yourself. Matutulog na ako.

5. INT. KUSINA. UMAGA
Nagluluto ng almusal si Carmela, inilalatag naman ni Vicky ang dala nitong mga
sariwang prutas sa ibabaw ng mesa

VICKY
Kumusta teh? Nakatulog ka ba?

CARMELA
Natural.

VICKY
Eh si pogi?

CARMELA
Malay ko. E hanggang ngayon nga hindi pa lumalabas ng kuwarto.

VICKY
Ha? Anong oras na? Tanghali na. Gisingin mo na.

CARMELA
Ayoko nga.

14

VICKY
Baka binangungot na. Tara gisingin natin.

CARMELA
Gisingin mo kung gusto mo.

Pupuntahan ang kuwarto. Kakatok, mahina sa una. Palakas nang palakas.

VICKY
Arthur, yohooo! Good morning. Breakfast time na!

Ididikit ang tainga sa pinto at tila nakayakap sa buong pinto.

VICKY
(Pang bedroom ang boses, parang nang-aakit)
Arthur! Lalamig ang pagkain sa mesa.

Biglang magbubukas ang pinto. Akmang malalaglag sa pagkagulat si Vicky.

VICKY
Good morning! Breakfast is ready.

15

Bahagyang ngiti lamang ang igaganti ni Arthur. Halatang naistorbo sa pagkakatulog.
Mabilis na hahawakan ni Vicky ang braso ni Arthur at hihilahin sa dining table.

ARTHUR
(Pagkakita kay Carmela na nakapamaywang at may hawak na siyansi) Pasensiya
kagabi. Di naman ako magtatagal sa bahay mo.

Tatango lang si Carmela.

VICKY
Kumain ka na Arthur. (Pauupuin si Arthur, sapilitan) Carmela, umupo ka na diyan.
Sabay na kayong mag almusal.

Akmang uupo si Carmela. Tatayo si Arthur.

ARTHUR
Kuha lang ako ng kape ha? If you don’t mind, sa kuwarto lang uli ako.

Napatanga lang ang dalawa. Sinundan lamang nila ng tingin sa Arthur na bumalik sa
kanyang kuwarto.

VICKY
Ano yon teh. Nag-away ba kayo?

16

CARMELA
Hindi. Pagkatapos kong ituro ang room niya kagabi, nagpaalam na akong matulog.

VICKY
Eh bakit ganoon si pogi. Ang lamig-lamig ng pakikitungo.

CARMELA
Ang sabihin mo, baka nahihiya dahil nakakaistorbo siya sa akin.

VICKY
Hindi. Parang may something eh…(Mag-iisip sandali habang kumakain si Carmela) Ah
alam ko na teh, taga maynila di ba. Mahilig sa gig, party at kung anu-ano pa.
Naboboore yan. Ikaw kasi masyado kang tahimik. Patugtog tayo ng
music.(Magpapatugtog)Ayan. Sayawan nah. Woh! Aha! Woo! Oh..oh… woh! Aha!

CARMELA
Sira. (Pagtatawanan ang ginagawa ni Vicky. Si Vicky naman ay lalong nagwala ng
kanyang mga awkward na dance moves)

Walag epekto. Tumigil ka na nga.

VICKY

17

Baka hindi mahilig sumayaw. Baka mahilig kumanta. Kantahan tayo. Magsasalang ng
kanta sa magic sing. Bibirit ng kanta si Vicky.(Pasulyap-sulyap sa kuwarto ni Arthur).

CARMELA
Palpak pa rin ang gimik mo.

VICKY
(Isang malakas na birit ng kanta, sasabay ang utot ni Vicky. Titigil sa pagkanta, sapo
ang tiyan. Teka lang, uwi muna ako.

CARMELA
O bakit biglang-bigla namumutla ka?

VICKY
May bombang sumabog sa Bataan. Tinatawag yata ako ng ibang klaseng
pangangailangan.(Hindi mapakaling tinungo ang pintuan palabas).

CARMELA
Hoy, malayo ang bahay nyo, dito mo na gawin.

VICKY
Ayoko, pihikan to.

18

CARMELA
Bahala ka, abutin ka niyan sa tabing daan.

VICKY
Dyan ka muna. Hindi ko na kayaaaaaa.

6A. INT. BAHAY NI CARMELA. UMAGA
Kinakatok ni Carmela ang pintuan ng kuwarto ni Arthur. Halatang nag-aalala.

CARMELA
Arthur! Tanghali na! Maya-maya lang manananghalian na. Hindi ka pa nag-aalmusal.
Arthur!Ano bang nagyayari sa taong to?

Bubuksan ni Carmela ang kuwarto gamit ang duplicate key. Matatagpuan nitong walang
malay si Arthur sa sahig. Maraming nagkalat na pills sa sahig. Matataranta.

CARMELA
Diyos ko, Arthur! Arthur! Patay na yata. Hoy! Patay ka na ba? Hoy!

Uungol si Arthur.

CARMELA
Buhay pa! Buhay pa!

19

CUT TO:
6B. INT. SALA NG BAHAY NI CARMELA.

CARMELA
O inumin mo ito nang mahimasmasan ka. (Aabutan ng tubig si Arthur).

ARTHUR
Pasensiya ka na.

CARMELA
Ano ba talagang nangyari.

ARTHUR
Hindi ako makatulog eh. Kaya umiinom uli ako ng valium. Iyon, don na ko nakatulog sa
sahig.

CARMELA
Diyos ko naman.

ARTHUR
Sori ulit.

20

CARMELA
Magkaliwanagan nga tayo. Pagkatapos ng poetry slam ay naka iskedyul kayong tumira
sa mga bahay ng mga writers para makapaglibot kayo sa scenic places namin for a
week. Pero pangatlong araw mo na rito sa bahay, ni hindi ka lumalabas ng bahay.

ARTHUR
I am undergoing depression. At least ngayon, aware na ko na may depression ako. Dati
hindi ko nirerecognize.

CARMELA
Hindi pwede yan. Ayokong may mamatay sa bahay ko.

ARTHUR
Hindi naman nakakamatay ang depression.

CARMELA
Malay ko ba kung magpakamatay ka.

ARTHUR
Wala rin akong suicidal tendencies.

CARMELA
Masasabi mo pa ba yan pag wala ka ng control sa boredom mo?

21

ARTHUR
In control naman ako a. Hindi naman ito ang nakita mong Arthur sa poetry slam di ba?

CARMELA
So, palabas lang ang lahat. Alin ang totoong Arthur? Iyong nasa poetry slam o itong
kausap ko ngayon.

ARTHUR
Parehas.

CARMELA
Anong sinabi mo?

ARTHUR
Wala. Pwede bang magpahinga muna ako sa kuwarto?

CARMELA
Hindi. Dito ka lang sa sala. Dito sa nakikita kita. Baka kung ano pa ang gawin mo sa
kuwarto. O heto, manood ka ng movie, habang nagluluto ako sa kusina.

Mapipilitan si Arthur na sundin si Carmela.

22

6C. INT. DINING. TANGHALI
Sabay na kumakain si Arthur at Carmela

ARTHUR
Kaming dalawa na lang ng Mama. Dalawang taon nang patay ang Papa ko.

CARMELA
Sorry to hear that.

Bubuntunghininga lang si Arthur.

CARMELA
Bakit?

ARTHUR
Hindi maganda ang naging relasyon namin ng Papa ko. Moody kasi. Laging galit.
Laging mainit ang ulo.Kunting diperensiya parang gustong manakit. Laging parang may
hinahanap na hindi niya naman matukoy.

CARMELA
Iba-iba pala talaga ang mga tao. Tatay ko, sobrang lambing.

ARTHUR

23

Extreme ang Papa ko. Minsan sobrang sweet pero sandaling sandali lang. Mayamaya,
kahit walang dahilan, bigla na lang tatahimik. At noong minsang pinagbuhatan niya ng
kamay ang Mama, di ko na makalimutan. Galit na galit ako sa kanya, pero hindi ko
inilabas. Kinimkim ko lang sa loob.

CARMELA
Kaya ka siguro naging writer. Lalim ng hugot mo.

ARTHUR
Siguro. Ganoon ka rin ba?

CARMELA
Hahaha.

ARTHUR
May ibinigay siya sa akin, sa amin ni Mama. Titulo ng nabili niyang lupa dito sa Bikol.
Pitong ektarya. Cultivated. Para raw sa kinabukasan ko. At ng magiging pamilya ko.
May malaking halaga rin siyang iniwan sa banko. Hindi ko alam kung paano mag react
noon. All the while, I was thinking na wala siyang pakialam sa akin. Ang masakit, wala
na siya nang sabihin sa akin ni Mama ang iniwan niyang lupa at malaking halaga. Alam
mo iyong pakiramdam na alam mong pwede mong gamitin ang pera mo para
magpagamot kasi kaya naman ng budget, pero ayaw mo na kasi alam mong hindi ka
gagaling sa cancer of the liver. Pero kung nalaman ko kaagad, sana dinala namin siya

24

sa US o kung saang country na may advance medical procedures para humaba pa ang
buhay niya.

CARMELA
Naiintindihan ko ang pakiramdam.

ARTHUR
Pwede mo ba akong tulungan?

CARMELA
Tulungan saan?

ARTHUR
Puntahan natin ang pinamana niyang lupa.

CARMELA
Sige. Kung iyan ang makagagaan sa pakiramdam mo.

7. EXT. LABAS NG BAHAY NI CARMELA. UMAGA

May maririnig si Carmelang motorsiklo na pumarada sa harap ng bahay habang
inaalisan ng damo ang mga halaman sa gilid ng bahay. Makikita nito si Arthur na
pababa ng motorsiklo.

25

CARMELA
Ano yan? Saan yan nanggaling?

ARTHUR
Binili ko. Para hindi tayo nahihirapan pagpunta sa lupain ni Papa. Tara!

CARMELA
Teka lang. Ibibilin ko muna kay Vicky ang bahay.

ARTHUR
(Pinagmamasdan ni Arthur si Carmela habang kausap sa telepono si Vicky. Kakausapin
ni Arthur ang sarili). Hay, sana tama tong ginagawa mong ito, Arthur.

CUT TO:

8. EXT. MOTORSIKLO. UMAGA
Habang umaandar ang sasakyan. Makikita ang mga palayan at ang Mt. Isarog at mga
tanawing presko sa paningin.

CARMELA
Alam mo ba kun nasaan iyon sa Tigaon?

26

ARTHUR
Oo, paminsan –minsan dinadala kami ni Papa doon. Akala namin malayong kamag-
anak si Mang Dado na dinadalaw namin. Iyon pala, katiwala niya sa lupa.

CARMELA
Masaya ka ba sa disesyon mo?

ARTHUR
Bakit mo naman naitanong?

CARMELA
Iba ang buhay sa probinsiya.

ARTHUR
Pero hindi naman bawal umuwi sa syudad paminsan minsan di ba?

CARMELA
Oo nga. Pero paano ang mga naiwan mong mga girlfriends sa Maynila.

ARTHUR
Hahahah.

CARMELA

27

O bakit, hindi ba totoo?

ARTHUR
Gilrlfriends talaga? Hindi pwedeng isa lang?

CARMELA
Malay ko ba.

ARTHUR
Ayon, malapit na tayo, iyong nakikita mong tubuhan na iyon at maisan. Iyon na ang
lugar.

CARMELA
Wow. Ang lawak pala.

ARTHUR
Seven hectares, Carmela. Seven!

9. EXT. ILALIM NG PUNO. UMAGA
May maliit na papag sa ilalim ng puno na nagsisilbing pahingahan sa tabi ng malawak
na maisan at tubuhan. Mabilis silang sinalubong ni Mang Dado nang makilala si Arthur
na bumababa ng motorsiklo.

28

MANG DADO
Sir Arthur, di man lang kayo nagpasabi na dadalaw kayo. Ang Mama niyo?

ARTHUR
Nasa Maynila. Siyanga pala, Carmela, si Mang Dado, ang katiwala ng Papa.

CARMELA
Kumusta po kayo.

MANG DADO
Mabuti naman iha. Napakagandang dalaga.

CARMELA
Hindi naman ho.

ARTHUR
Tara, Carmela, pasyal kita sa lugar.

Iikutin ng dalawa ang buong farm. Mapapansin na nasa lugar ang lahat ng tanim at may
mga alagang hayop din sa paligid. Mapapansin din ang mangilan ngilang mga tauhan
na nag-aalis ng damo sa paligid at magbibigay-galang kay Arthur at Carmela.

CARMELA

29
Grabe. Ang ganda! (Uupo si Carmela sa damuhan)

ARTHUR
Nakikita ko ang attachment mo sa nature.

CARMELA
Ha?

ARTHUR
Hangang-hanga ka sa lugar e. First time mo ba rito?

CARMELA
Hindi.

ARTHUR
Ha? Nakarating ka na dito? Kailan? Sinong…Paano? (Kakaiba ang reksyon ni Arthur,
parang biglang nag-alala)

CARMELA
Ikaw naman ngayon ang gulat na gulat! (Inaabangan ni Arthur ang susunod na
sasabihin ni Carmela) Hindi naman dito. Diyan sa kabila. May deer farm diyan na
gustong gusto kong puntahan kapag dinadalaw ako ng bagot.

30

ARTHUR
(Nakaramdam ng relief si Arthur) Ah. Tara. Puntahan natin.

10. EXT. DEER FARM. HAPON
Makikita ang dalawa na nag-eenjoy sa deer farm. Umiikot sila sa buong lugar.
Tumulong magpakain ng mga usa. Naupo sa damuhan at pinagmasdan ang mga usa.
Panaka-nakang sinusulyapan ni Arthur si Carmela habang abala ito sa panonood sa
mga usa. Paminsan minsan ring sinusulyapan ni Carmela si Arthur.

MANG DADO
Sir Arthur, Mam Carmela. Halina po kayo at may inihandang pagkain sa Farm.
Makikita ang salu-salo sa inihandang pagkain sa ilalim ng lilim ng puno. Tuwang –tuwa
si Carmela.

11. INT. BAHAY NI CARMELA. GABI

ARTHUR
Carmela, salamat ha.

CARMELA
Saan?

31

ARTHUR
Sa pagsama sa akin doon, sa pagtulong na makalimot sa mga gumugulo sa isip ko.

CARMELA
Wala iyon. Natutuwa akong makita kang hindi nagkukulong sa kuwarto.

ARTHUR
Oo nga.

CARMELA
Sigurado ka bang hindi ka na magidinner?

ARTHUR
Ok na sa akin iyong kinain natin sa farm.

CARMELA
Ok. Kapag nagutom ka feel free. May pagkain sa ref.

ARTHUR
Yes mam.

CARMELA
Good night.

32

ARTHUR
Good night din.

Pagkapasok ni Arthur sa room, papasok na rin si Carmela sa room. Hihilata sa kama.
Titingin sa kisame. Mangingiti sa nangyari buong araw.Unti-unting susungaw sa gilid na
kama ang ulo ni Vicky.

VICKY
Good night! (Mina-mock si Carmela)

CARMELA
Gulat na gulat si Carmela. Babatuhin ng unan ang kaibigan.

VICKY
Ooooy, umamin ka teh. May namamagitan na sainyo noh? Umamin ka. Umamin ka!

CARMELA
Wala. Ano ka ba. Nagpasama lang iyong tao sa farm nila sa Tigaon.

VICKY
Eh bakit ganyan na lamang ang concern mo, ha? Ha?

33

CARMELA
Ganito iyon…

11. INT. DINING ROOM. UMAGA

VICKY
Oy Arthur, pasensiya ka na sa pag-iingay ko noong mga nakaraang araw ha.

ARTHUR
Wala iyon, Vicky.

CARMELA
Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?

VICKY
Oo, nga Arthur, nakatulog ka ba ng maayos kagabi.

ARTHUR
The best night sleep ever.

VICKY

34

Ayyyyyyy, ang sweet! Makakuha nga muna ng suka! Lalanggamin ako sa inyong
dalawa!

12. EXT. LABAS NG BAHAY. UMAGA
Nililinis ni Arthur ang motorsiklo. Si Carmela naman ay nag-aalis ng damo sa garden sa
bakuran. Pasulyap-sulyap si Arthur kay Carmela.

ARTHUR
Ano bang plano mo ngayong gawin?

CARMELA
Kung wala kang gagawin, yayain ka namin ni Vicky pumunta sa talon. Diyan sa
bandang taas.

ARTHUR
Oo ba. May daan ba doon na pwede makapasok ang motorsiklo?

CARMELA
Hanggang bukana. Pwede. Pero pababa sa talon, lakad lang. Pero may sementadong
hagdan pababa.

ARTHUR

35

Ah. Sige.

Magbabalik sa ginagawa ang dalawa. Paglingon ni Arthur, nakatanga si Carmela sa
buong bahay. Matagal itong nakatitig.

ARTHUR
Carmela, bakit? Carmela!

CARMELA
Ha? Anong sinsabi mo?

ARTHUR
Bakit nakatulala ka? Ano bang iniisip mo?

CARMELA
Wala. Wala, may naalala lamang ako. Teka ihahanda ko na pala ang pagkain natin.

13. EXT. MALABSAY FALLS. TANGHALI

Habang nagtatampisaw si Vicky sa tubig, mapapansin ni Carmela na nakaupo sa isang
malaking bato si Arthur. Nakatingin ito sa malayo. Nilapitan niya ito.

CARMELA

36

Malalim na naman ang iniisip mo.

ARTHUR
Ha? Ganoon ba?

CARMELA
Tahimik ka na naman eh.

ARTHUR
Salamat sa pagpapaalala.

CARMELA
Kung ako saiyo, magpokus ka sa kung ano ang gusto mong gawin. Kasi tingin ko, kaya
tayo madalas napapaisip kasi may mga bagay na pinipigilan nating gawin. Tuloy pag
nagkakaroon tayo ng time na mag isip,bumabalik sa atin iyon.

ARTHUR
Ganyan ka ba?

CARMELA
Oo. Minsan.

37

ARTHUR
Eh si Vicky?

CARMELA
Sobra naman yang babaing yan.

VICKY
Hoy, ano ba kayong dalawa? Ang sarap-sarap ng tubig.

CARMELA
Oo susunod na kami. Tara na, walang ganito sa Maynila. Kaya pagkakataon mo na.

Susunod ang dalawa kay Vicky. Mauuna sa tubig si Carmela. Magtatanggal ng t shirt si
Arthur. Mapapanganga si Vicky sa makikitang katawan ng binata. Sasabuyan ni
Carmela ng tubig ang nakangangang kaibigan.

14. EXT. FARM. HAPON

ARTHUR
Plano ko sa ibang bansa magtrabaho. Kaya nga after graduation, nag-apply agad ko ng
trabaho sa isang BPO industry bilang tech-suppport para mapraktis ko ang kinuha kong
kurso sa college. Pero nang mamatay ang Papa, naisip ko, tama siya. Kailangang
pangalagaan ang iniwan niyang farm.

38

CARMELA
Sa isang banda tama naman iyang disesyon mo. Pero, kailanagan masaya ka sa
pasyang yan.

ARTHUR
Bakit?

CARMELA
Kasi kun napipilitan ka lang, habangbuhay mong ikukulong ang sarili mo sa pangakong
iyan sa Papa mo.

ARTHUR
Eh ikaw. Anong plano mo?

CARMELA
Plano saan?

ARTHUR
Sa buhay mo. Matagal na tayong nag-uusap, laging ako ang topic.

CARMELA
Ano naman ang gusto mong malaman tungkol sa akin.

39

ARTHUR
Marami.

CARMELA
Huwag na. Akin na lamang iyon.

ARTHUR
Daya mo naman.

CARMELA
Ihambing mo na lang ang sarili ko sa mga tanim mong tubo. Madawag. Matatalim ang
mga dahon. Makati ang mga balahibo. Hindi mo gugustuhing pasukin ang dawag.

ARTHUR
Naks! Tula yata yan eh.

CARMELA
Totoo. Kaya huwag na.

ARTHUR
Kahit anong sabihin mo, matamis ang tubo. At interesado ako sa mystery ng buhay mo.

40

CARMELA
Mabibigo ka.

ARTHUR
Wala ka bang manliligaw?

CARMELA
Ano sa tingin mo?

ARTHUR
Di ko alam. Mag-iisang linggo pa lang kitang kilala. Malay ko ba kung pinagbawalan
mong magpunta sa inyo habang nakikitira ako dito.

CARMELA
Wala.

ARTHUR
Wala ka bang planong mag-asawa para may kasama ka sa bahay mo?

CARMELA
May mga inaasikaso pa akong problema bago ko isipin ang mga bagay na iyan.

41

ARTHUR
Ano?

CARMELA
Akin na lang iyon.

ARTHUR
Ayaw mo bang tulungan kita?

CARMELA
Salamat na lang.

ARTHUR
I insist. Sa ilang araw na kasama kita, nakita ko sa iyong mga mata ang kaligayahan sa
bukid. Natutuhan kong pahalagahan ang lupa kaysa sa ibang trabaho. Tama ka,
marami ang nagtatrabaho para kumain at mabili ang mga pangangailangan. At ang
farm ni Papa ay isa sa mga sagot ng pangangailangan ng lugar at mga tao. Lahat yan
natutuhan ko sa iyo. Alam mo bang, pag nagigising ako tuwing umaga, pakiramdam ko
ibang tao na ako. Utang ko sa iyo ang lahat ng ‘to. Hayaan mo naman akong
makabawi.

CARMELA
O sige. Sasabihin ko saiyo pag kailangan ko ng tulong mo.

42

ARTHUR
Promise?

CARMELA
Oo. Hindi pa lang ngayon.

ARTHUR
Ok. Deal?

CARMELA
Deal.

ARTHUR
Ikaw ang taya! (aagawin ni Arthur ang suot na balabal ni Carmela)

CARMELA
Ano?

ARTHUR
Habol! Habulin mo ako.

CARMELA

43

Akin na yang balabal ko.

ARTHUR
Habol muna.

Maghahabulan ang dalawa. Makakrating sa maisan. Maririnig i Carmela ang boses ni
Arthur ngunit hindi niya ito makita sa ibabaw ng maisan. Iikot si Carmela. May
makikitang tao si Carmela. Susundan niya. Lilingon sa kanya ang lalaki.

CARMELA
Tay?

Mabilis na tatalilis ang lalaki. Hahabulin ni Carmela.

CARMELA
Tay, ikaw ba yan? Tay, sandali. Hintayin mo ko. Tay!

Maabutan ni Carmela ng lalaki sa labas ng maisan. Pagharap ng lalaki ay magugulat si
Carmela.

ARTHUR
Bakit mo ko tinatawag na tatay?

44

CARMELA
Arthur…?

Hihimatayin si Carmela.

ARTHUR
Carmela! Carmela!

1C. INT. BAHAY NI CARMELA. UMAGA
Hawak ni Carmela ang balabal mula sa lumang baul. May dadapong kalapati sa
pasamano ng bintana. Susundan ito ng tingin ni Carmela. Lilipad ang kalapati palayo,
pataas.

15. INT. BAHAY NI CARMELA. HAPON

ARTHUR
Ano bang nangyari saiyo kanina?.

CARMELA
Napagod lang siguro ako.

ARTHUR

45

Pero bakit tinawag mo kong tatay?

Hindi kikibo si Carmela. Titingin sa malayo.

ARTHUR
Carmela, come on. Di kita kaanu- ano pero kung paano mo ko tinanggap dito sa bahay
mo ay isang patunay na may tiwala ka sa akin. Kaya gusto ko rin namang malaman ang
kahit kunting detalye tungkol saiyo para naman kahit papaano ay mapagaan ko ang
pakiramdam mo.

CARMELA
Bakit pa? Eh bukas o makalawa aalis ka rin naman di ba? Maiiwan na naman ako. Lagi
na lang akong naiiwan.

ARTHUR
Hey,hey, teka lang. Hindi naman ako aalis ng tuluyan. Uuwi sa bahay, oo. Pero hindi
nangangahulugan na hindi na ko babalik dito. Sabi ko nga, tutulungan kita kung ano
man ang problema mo. Sino ba mga nang iwan na iyan saiyo at bubugbugin ko.

Mapapahagulhol si Carmela. Matitigil si Arthur sa pagbibiro. Yayakapin si Carmela.
Mapapakapit ang dalaga sa binata.

ARTHUR

46
Sige. Iiyak mo lang yan. Huwag mong pigilan.

16. EXT. LABAS NG BAHAY NI CARMELA. UMAGA

ARTHUR
Matatanawan si Carmela na nakangiti sa may pintuan at kumakaway.

Huwag kang mag alala. Babalik ako.

VICKY
Mamimis ka namin pogi. Baka hindi ka na bumalik.

ARTHUR
Babalik ako. Sure yan. Kaya nga dito ko iiwanan ang motorsiklo ko para pagdalaw ko uli
sa farm dadaan ako rito.

CARMELA
Ok lang naman. Huwag mong obligahin ang sarili mo. Ang importante malagpasan mo
iyang depression mo.

ARTHUR
Bakit? May traces pa rin ba?

47

CARMELA
Kunti. Kunting sayad.

ARTHUR
Haha. Basta ha, Carmela. Kahit anong oras. Pag kailangan mo ng tulong, adating ako.

CARMELA
Kalimutan mo na. Mas ikaw ang nangangailangan ng tulong.

ARTHUR
Basta ha. Sige.

17. INT. BAHAY. UMAGA
May maririnig na motorsiklo. Maaalimpungatan si Carmela. Babangon. Tatakbo
palabas. Dali-daling bubuksan ang pinto.

CARMELA
Arthur…. Tia Bening!

TIA BENING
(Dirediretso sa loob ng bahay. Sinisippat ang bawat sulok ng bahay.)
Carmela, Carmela, Carmela! Gusto mo talagang pahirapan ang sarili mo. Hanggang
ngayon ay hindi ka pa rin nagliligpit ng mga gamit mo.

48

CARMELA
Sinabi ko na naman sainyo Tia Bening na ang bahay at lupang ito ay pamana ng lola sa
nanay ko. At naihiwalay na ang loteng ito sa matandang titulong hawak niyo.

TIA BENING
Sinungaling! Ang linaw linaw sa mapang ito na minana ng asawa ko na hanggang sa
lupa at bahay na ito ang pag-aari namin.

CARMELA
Pero…

TIA BENING
Wala ng pero pero pa. Hanggang sa susunod na buwan. Kapag wala kang papeles na
maipapakita bilang katunayan na inyo nga ang bahay at lupang ito, sa ayaw at sa gusto
mo, lilisanin mo ang bahay na ito. Carmela, ilang taon na din naman na nakinabang
kayo sa lupa at bahay na ito, panahon na naman siguro na ang tunay na tagapagmana
ang makinabang, di ba?

CARMELA
Hahanapin ko ang mga papeles. Hindi ninyo makukuha ang bahay at lupang ito.

TIA BENING

49
Tsk tsk tsk tsk. Sige…tingnan natin.

Mabilis na lalabas at magpapagpag ng paa.

Sugod na papasok naman si Vicky.

VICKY
Anong nangyari? Ano na naman ang sadya ng bruha mong tiyahin?

CARMELA
Gaya nang dati. Kinukuha ang lupa at bahay na ito.

VICKY
Pero paano nangyari iyon. Sainyo ang lugar na ito.

CARMELA
Hanggat hindi ko nahahanap ang tatay o ang mga papeles ng bahay na ito, hindi titigil
si Tia Bening.

VICKY
Anong plano mo?

CARMELA

50

sa huling pagkakataon, hahanapin kung muli ang tatay sa Quezon. Kailangang
mahanap ko siya at makita ko ang mga dokumento.

VICKY
Pero paano? Hindi ba’t dati mo ng ginawa iyon kahit noong buhay pa ang nanay mo?

CARMELA
May mga bahay na hindi namin naabot noon. Pero ngayon, sa pagbabalik ko doon,
sisiguruhin namin na maabot ang mga bahay sa kabila ng burol.

VICKY
Namin? Sino ang kasama mo sa pagpunta doon?

Hindi kilibo si Carmela. Magda-dial sa cp.

CARMELA
Arthur. ..

Susulyapan ni Carmela si Vicky.

18. INT. BAHAY NI ARTHUR. HAPON

SANDRA

51

Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan ba ang punta mo?

ARTHUR
Sa Quezon Ma.

SANDRA
Quezon? Anong gagawin mo doon? Wala naman tayong kamag-anak doon?

ARTHUR
May kaibigan ako roon. Nangako ako sa kanya ng tulong.

SANDRA
Ha? Bakit? Anong nangyari?

ARTHUR
Mahabang kuwento.

SANDRA
Paano ang trabaho mo?

ARTHUR
Nag file muna ako ng isang buwang leave. Sige ma, bye.

52

19. EXT. BUS. HAPON

ARTHUR
Ano ba itong nangyayari sa akin. Bakit, pakiramdam ko, gustong-gusto kong kasama si
Carmela? Mali ito. Maling-mali.

May maaalala si Arthur. Bubuksan ang backpack. Ilalabas ang isang folder na nasa
plastic. Titingnan. Titigil sandali. Bubuntong hininga. Ibabalik ang folder sa loob ng bag.

CUT TO:

20. EXT. KALSADA. HAPON

Iibis ng bus si Arthur. Palinga-linga. Matatanawan niya si Carmela na naghihintay sa
isang lumang waiting shed. Naka-backpack din si Carmela at nakabihis na talagang
handang sumabak sa paghahanap.

21. EXT. OLD MINING SITE.HAPON

CARMELA
Dito sa gumuhong mining company na ito nagtrabaho ang tatay ko. Fidel Pasilag
Contreras ang kanyang buong pangalan. Limang miners ang namatay dito. Maraming

53

nasugatan. Pero ang tatay ko hindi nila natagpuan. Tanging ang balabal na ito ang na
recover namin na gamit niya. Sa tabing kalsada ito natagpuan. Doon sa high way.

ARTHUR
Sigurado ba sila na nahukay nila lahat?

CARMELA
Oo. Ayon sa ulat, ang bilang ng nahukay na buhay at sugatan at ang bilang ng mga
nahukay na patay ay eksakto sa bilang ng mga empleyado. Kaya nga kami umaasang
buhay pa ang tatay. Pero hindi na siya nakabalik sa amin mula noon.

ARTHUR
Sinuyod niyo ba ang mga ospital?

CARMELA
Oo. lahat ng pwedeng pagdalhan sa mga nasugatan ay pinuntahan namin. Pero walang
nakarehistrong ganoong pangalan sa mga ospital.

ARTHUR
So anong plano mo?

CARMELA

54

Balikan ang lugar na sinuyod dati ng Nanay. Kapag hindi ko pa siya nahanap. Gusto ko
ng tuldukan tong paghahanap na ito. Gusto ko ng harapin ang sarili ko. Tanggapin na
wala na siya. Tanggapin na isang araw, may magpapalayas sa akin sa bahay na iyon.

ARTHUR
Ha? Bakit?

CARMELA
Si tatay ang nakakaalam ng mga papeles ng lupa at bahay namin. Pamana ng
magulang ng nanay sa kanya. Nang ikasal sila, pinaayos nila ang papel bilang conjugal
property.

ARTHUR
Papeles ng lupain o papeles lang ng bahay at lupa?

CARMELA
Ano bang klaseng tanong iyan?

ARTHUR
Ha? Eh, hindi ko pa kasi masyadong maintindihan. Kasi biglang-bigla, tumawag ka
tungkol dito.

CARMELA

55

Pumunta sa bahay si Tia Bening noong isang linggo. Hawak niya ang buong titulo ng
lupang pinamana sa kanila ng mga lola ko sa mother side. At binibigyan ako ng
ultimatum. Pag hindi ko naipakita sa kanya ang papeles na totoong ipinamana ng lola
ko ang bahay at lupang iyon sa Nanay, mapipilitan akong umalis sa bahay na iyon.

ARTHUR
Tsk, grabe naman iyon. Hindi mo ba mapapakiusapan?

CARMELA
Sinubukan ko na. Matigas ang Tia Bening. May hinala akong may buyer na siya at
planong ipagbili ang lugar na iyon.

ARTHUR
Bilhin natin.

CARMELA
Wala akong ganoong kalaking pera.

ARTHUR
Hihiram tayo sa Mama.

CARMELA

56

Ayoko. Hindi iyon ang solusyon. Sigurado ako na amin ang lupa’t bahay na iyon. Kaya
nga hinahanap natin ang tatay o anumang makpapagtuturo kung nasaan siya. Nasa
kanya ang papeles. At sakaling wala na siya, kahit papaano ay siguradong naiwan niya
ang mga dokumentong iyon.

ARTHUR
Baka naman nasa bahay niyo lang ang mga papeles?

CARMELA
Wala. Lahat na pwedeng paglagyan hinanap na namin, wala talaga.

ARTHUR
So malinaw na hindi lang tatay mo ang hinahanap natin dito.

CARMELA
Anong ibig mong sabihin?

ARTHUR
Wala.

CARMELA
Iniisip mo ba na dahil lamang sa lupa ito? Na gahaman ako sa mamanahin kong lupa?

57

ARTHUR
Wala akong sinasabing ganoon.

CARMELA
Palibhasa laking syudad ka. Walang halaga saiyo ang pagtatanim.

ARTHUR
Bakit napunta sa akin ang usapan?

CARMELA
Wala kang ideya. Sa mga katulad kong probinsyana, mahalaga ang lupa. Buhay ang
lupa.

ARTHUR
Wala akong ibang ibig sabihin. Pagod ka na. Kailangan mong magpahinga.

22. EXT. NIYUGAN. UMAGA

CARMELA
Pasensiya ka na sa akin kahapon. Masyado naman yata kitang iniinvolve sa problema
ko.

ARTHUR

58
Wala iyon. Sabi ko naman sa iyo, tutulungan kita.

CARMELA
Salamat.

ARTHUR
Huwag muna. Huwag ka munang magpasalamat. Wala pang resulta ang tulong na
ibibigay ko sa iyo. So saan mo gustong magsimula?

CARMELA
Lahat nang pinuntahan ng Nanay, gusto kong suyuring muli. Magbakasakali tayo.

ARTHUR
Siya nga pala. Ni minsan ay wala kang ipinakitang litrato ng tatay mo.

CARMELA
Sinunog na ng nanay. Mula ng sumuko siya sa paghahanap kay tatay. May naisalba
akong isang litrato pero ginamit na namin iyon dati sa paghahanap. Walang nangyari
kasi bata pa ang tatay doon. Tingin ko mas makabubuting hanapin ang tatay sa
kanyang buong pangalan. Magbabago ang itsura ng tao. Pero hindi ang kanyang
pangalan.

ARTHUR

59

Mabuti at nabanggit mo iyan. Bakit hindi natin subukang hanapin siya sa NSO. Kung
ano na ang kanyang status. Kung..

CARMELA
Kung may naissue na ba sa kanyang death certificate?

ARTHUR
Sorry.

CARMELA
Ok, lang. Sinubukan na namin iyan. Wala balita hanggang ngayon.

Maglilibot si Carmela at Arthur, magtatanong tanong. Lahat hindi kilalal ang tatay ni
Carmela. May nadaanan silang mga nangingsda sa lati. Nagtanong-tanong din sila sa
mga ito.

MANGINGISDA
Nagtatrabaho ba ikamo sa minahan dati? Iyong gumuhong minahan doon!

ARTHUR
Oho.

CARMELA

60

Kilala ho ba ninyo ang tatay ko?

MANGINGISDA
Hindi. Pero may kilala akong doon din nagtatrabaho. Baldado na ngayon at nakatira sa
kabilang ibayo. Sa kabila ng niyugang iyan ay may madaanan kayong batis. Tuntunin
lamang ninyo ang daan sa kabila ng burol, doon ninyo matatagpuan ang bahay ni
Basilio Palayar.

ARTHUR
Sigurado ho ba kayong katrabaho nga ni Fidel Contreras ang Basilio Palayar na iyon?

MANGINGISDA
Ay Amang, kung hindi kayo naniniwala, eh di huwag na kayong magtanong.

Susulyapan ni Carmela nang matalim si Arthur.

CARMELA
Maraming salamat ho sa impormasyon. Pasensiya a ho kayo sa kasama ko.

MANGINGISDA
Walang anuman.

Hihilahin ni Carmela si Arthur palayo sa matanda.

61

CARMELA
Ano bang ginagawa mo? Tayo na nga ang nagpapatulong tapos kung makatanong ka
eh…

ARTHUR
Nagtanong lang. Masama ba iyon?

CARMELA
Eh, masama ang tono ng pagtatanong mo. Kayo talagang mga taga syudad masyado
kayong insensitive sa damdamin ng masa.

Magpapatuloy sa paglakbay ang dalawa at pagtatanong-tanong. Nang mapagod ay
nagpahinga sa ilalim ng puno.

CARMELA
Kinakabahan ako Arthur.

ARTHUR
Ayokong bigyan ka ng false hope, Carmela.

CARMELA

62

Alam ko. Pero ngayon lang ako kinabahan nang ganito. May mga nakausap na akong
mga katrabaho ng tatay pero wala silang maiturong pagkakatuntunan sa kanya. Ang
alam nila, tuwing uuwi ang tatay ay diretso ito sa kanyang pamilya sa Bikol. Madalas
nga siyang kantiyawan ng mga kabarkada at katrabaho dahil masyadong pokus ang
tatay sa kanyang pamilya.

ARTHUR
Sana nga ay magbunga na ng magandang balita ang paghahanap mo.

CARMELA
Napapagod ka na ba?

ARTHUR
Mahaba na ang panahong ginugol mo sa paghahanap.

Tahimik na maglalakad ang dalawa. Aabutin ng pagod. Magpapahinga sa ilalim ng
niyugan.

ARTHUR
Ni minsan ba, hindi mo pinangarap mag-aral sa syudad, manirahan at doon
magtrabaho?

CARMELA

63

Gustong gusto kong mag Nurse. Pero sabi ng Nanay, ang nais daw ng tatay ko ay
kumuha ako ng kursong may kaugnayan sa agrikultura. Ang Pilipinas daw ay
agricultural country kaya dapat daw ang mga kurso sa kolehiyo ay nakatuon sa
trabahong may kaugnayan sa lupa. Pero dahil nawala siya at wala rin namang
pantustos ang Nanay ko sa plano kung kuning kurso, bumagsak ako sa Development
Communication.

ARTHUR
Maari ka naman palang magtrabaho sa syudad.

CARMELA
Oo. Pero mas pinili ko na ang buhay sa probinsya. Tumingin ka sa paligid mo. Ang
niyugan, ang damuhan, ang bukirin ang mga huni ng ibon at sari-sarig tunog ng mga
hayop. Ang preskong hangin. Hinding-hindi kayang pantayan ng buhay sa syudad.

ARTHUR
Lagi ka bang ganyan?

CARMELA
Na ano?

ARTHUR
Simple. Malalim.

64

CARMELA
Ang syudad sa akin ay panandaliang adiksyon sa ilaw at karangyaan. Pag umuwi ka
galing sa trabaho hinahanap pa rin ng mga taga lungsod ang isang buhay na payapa.
At ito ang buhay na payapa para sa akin.

ARTHUR
Hindi ka rin naman totong peaceful di ba, kahit nasa probinsiya ka? Ibang level nga lang
ang problema sa syudad.

CARMELA
Ano bang gusto mong palabasin?

ARTHUR
Wala. Naitanong ko lang.

CARMELA
Tara na nga, baka abutin pa tayo ng dilim sa daan.

Magpapatuloy sa paglalakad ang dalawa.

23. EXT. BAKURAN NG KUBO. GABI

65

CARMELA
Tao po! Tao po!

ALING LUISA
Aba’y gabing-gabi napasugod kayo.

CARMELA
Dito po ba nakatira si Mang Basilio.

ALING LUISA
Sino ba sila?

CARMELA
Ako po si Carmela. Anak po ako ni Fidel Contraras, dati pong kasamahan ni Mang
Basilio sa minahan. Siya naman po ay si Arthur.May itatanong po sana kami sa kanya.

ARTHUR
Magandang gabi po.

ALING LUISA
Luisa ang pangalan ko. Tumuloy muna kayo. Dito na kayo magpalipas ng gabi. Ang
asawa ko ay kasama ng panganay kong anak sa bayan dahil sa pagkuha ng pension

66

ng senior citizen at ng kanyang buwanang konsulta sa doktor. Bukas na sila
makababalik.

CARMELA
Maraming salamat po.

ALING LUISA
Kumain na ba kayo? May sinaing sa kusina at ilang piraso ng tinapa.

CARMELA
May baon naman po kaming mailuluto, pero kung hindi po ninyo mamasamain ,eh
paborito ko po ang tinapa.

ALING LUISA
Naku, Carmela pagdamutan mo’t iilang piraso na lamang ang natira.

Tahimik na kumakain si Arthur at Carmela habang si Aling Luisa naman ay abala sa
paglalatag ng banig sa sahig ng kubo. Pagkatapos kumain ay inimis ni Carmela ang
mga kinanan. Nakamasid lamang sa kanya si Arthur. Makikita siya ni Aling Luisa na
nagsisimula nang maghugas ng pinggan.

ALING LUISA
Naku, Carmela. Iwanan mo na yan diyan. Ako na ang bahala diyan.

67

CARMELA
Ako na ho, Aling Luisa. Sanay po ako sa gawaing bahay. Hindi naman po ako taga-
syudad na katulong ang gumagawa para sa kanila.

ALING LUISA
Ay siya, handa na itong tulugan ninyong mag-asawa.

Magigitla si Carmela at Arthur. Magkakatinginan ang dalawa. Mauunang tumawa si
Arthur. Babalik sa paghuhugas si Carmela. Napapangiti. Lilingon kay Arthur. Nakatingin
na pala sa kanya si Arthur at nakatulis ang nguso nito kay Carmela na tila hahalik na
nang-aasar.

24.EXT. NIYUGAN. UMAGA

MANG BASILIO
Kaalis lang noon sa minahan nitong panganay kong si Lando dahil kumuha ng pera sa
akin na pampa check-up ng asawa ko na noon ay nakapisan sa isa kong anak sa
Maynila. Pagkaalis nitong si Lando ay napaalam naman sa akin ang tatay mong si Fidel
na uuwi nga sa Bikol. Pauwi na noon ang tatay mo, nakasukbit na nga ang kanyang
bag nang biglang yumanig ang lupa. Sumigaw ako nang malakas nang maipit ang aking
mga paa sa may bukana ng butas. Tinulungan niya ako makaahon. Pero pagkatapos
noon ay nagbagsakan na ang mga poste at mga kahoy, bago nagdilim ang paligid.

68

CARMELA
Wala na po ba kayong naalala?

MANG BASILIO
Nagising ako sa ospital na.

CARMELA
Wala po ba kayong natatandaan kung nakasama pa ninyo ang tatay sa ospital kung
saan kayo dinala?

MANG BASILIO
Wala. Wala na. Masyado kong dinamdam ang sakit na nararamdaman ko noon.
Nalaman kong nawawala ang tatay mo noong mabalitaan kong may babaing napunta
dito at nagtatanong-tanong tungkol kay Fidel.

CARMELA
Nanay ko ho iyon.

MANG BASILIO
Ikinalulungkot ko iha. Iyan lamang ang impormasyong maibibigay ko sainyo.

CARMELA

69

Huwag po kayong mag-alala. Ikinatutuwa ko na rin pong malaman mula sa inyo na
talagang matulungin ang tatay ko.

MANG BASILIO
Totoo iyan. Kaya siguro matulungin din ang napili mong mapangasawa.

CARMELA
Ho?

MANG BASILIO
Hindi ba kayo mag-asawa nitong kasama mo.

CARMELA
Hindi ho. Dalaga pa po ako.

ALING LUISA
Ah magkasintahan pa lang. E kailan ba ang kasal?

CARMELA
Ho? Eh.

ARTHUR
Magkaibigan lang po kami.

70

ALING LUISA
Ha? Naku sayang naman. Eh mukhang bagay kayong dalawa. Naku, pasensiya na. Pilit
ko pa naman kayong pinagtatabi sa higaan kagabi ang buong akala ko’y…

Mapapangiti na lamang si Arthur at Carmela.

MANG BASILIO
Siya, ipahahatid ko kayo kay Lando hanggang sa kabilang pampang ng sapa. Lando,
alalayan mo sila hanggang doon sa kapatagan.

Tumango lamang si Lando.

MANG BASILIO
Dati normal yang si Lando. Pero habang tumatanda ay unti-unti nagbago. Hindi
nagsasalita halos buong araw. Kung minsan naman ay kung anu-ano ang sinasabi.
Pero mabait yan at maasahan.

Nagsimula ng maglakad ang tatlo. Nauuna si Arthur, sunod si Carmela at ansa hulihan
si Lando. Pagdating sa medyo makipot na daan ay maingat na hinila ni Lando ang
balabal ni Carmela. Tinitgan ito at itinago sa loob ng maong na jacket. Hanggang sa
makarating sila sa sapa. Maghuhugas sila at maghihilamos. Mapapansin ni Carmela na
wala sa leeg niya ang balabal ng kanyang tatay.

71

CARMELA
Hindi mo ba napansin ang balabal ko.

ARTHUR
Check mo sa bag mo.

CARMELA
Hindi ko kailanman inaalis iyon. Paano bang nawala. Pag-alis natin ay nakasabit sa
leeg ko. Ah, baka sa bandang dinaanan natin na may dawag at makipot ang daan.
Baka nasabit sa sanga. Teka babalikan ko.

ARTHUR
Huwag na ako ang babalik. Malapit lang naman. At saka hindi naman kabisado ni
Lando ag balabal mo.

Palinga liga si Lando nang umalis si Arthur. Nang makitang malayo na ito ay lumapit
siya kay Carmela.

LANDO
Nakita ko ang tatay mo ng araw na iyon. May dugo sa ulo. Sumakay siya ng bus
patungong Maynila kung saan ako nakasakay. Tinanong ko siya kung ano ang

72

nangyari. Hinawakan niya ako sa braso. Tinatanong niya ako kung ano daw ang
pangalan niya. Pero may lumapit na babae. Ang nanay mo. Pinaupo siya sa tabi nito.
ARTHUR
Carmela, wala dito ang balabal mo.

LANDO
Ang kasama mo. Matagal mo na ba siyang kilala. Huwag kang masyadong magtiwala.
Huwag mong sasabihin sa kanya ang mga sinabi ko.
Iaabot ni Lando ang balabal ni Carmela na itinago pala nito sa loob ng suot na damit.
Saka mabilis na lalayo kay Carmela. Pabalik na rin si Arthur.
Gulat na gulat pa rin si Carmela.

CARMELA
Andito pala ang balabal ko. Hindi ko lang napansin. Pasensiya na, nag-abal ka pa.

ARTHUR
Tsk, tsk, tsk. Sabi ko saiyo i check mo muna. O sige Lando, salamat ha. Ok na kami
rito.

Tatango lamang si Lando. Susulyap kay Carmela. Pagkatapos ay mabibilis na
maglalakd pabalik. Susundan siya ng tingin ni Arthur. Maiiling lang si Arthur.

Tahimik na naglakad ang dalawa. Malalim ang iniisip ni Carmela.

73

ARTHUR
Sorry ha, wala pa ring linaw ang paghahanap mo sa tatay mo.Hayaan mo, suyurin pa
natin ang karatig bayan.

CARMELA
Huwag na.

ARTHUR
Anong ibig mong sabihin?

CARMELA
Tama na iyon. Naipangako ko na sa sarili ko kagabi. Ngayong araw na ito magsisimula
ang pagharap ko sa katotohanang hindi ko na siya matatagpuan.

ARTHUR
Carmela

CARMELA
Buhay ko naman ang kailangang kong harapin.

ARTHUR
Ok. Ikaw ang bahala.

74

CARMELA
Salamat sa tulong mo. Pagdating natin sa bayan. Maaari ka nag sumakay pauwi sainyo
sa Maynila. Ako naman ay uuwi na ng Bikol. Tara na. Bilisan na natin ang paglalakad.

25. EXT. BUS STOP. HAPON
Magyayakap an dalawa. Mahigpit ang yakap ni Arthur. Nag-aatubili namang gumanti si
Carmela. Mauunang kumalas si Carmela.

ARTHUR
Please keep your line open, ok?

Tatango lamang si Carmela.

Mauunang sumakay si Carmela ng bus. Tatanawin siya ni Arthur bago sumakay ng bus.
Mananatiling tahimik si Carmela sa upuan. Unti-unting papatak ang luha.

26. INT. ROOFTOP. GABI

CARMELA
Vicky. Asan k aba. Nasa rooftop k aba? Ano bang ginagawa mo diyan e gabing gabi na.

ARTHUR

75

Pinauwi ko na si Vicky.

CARMELA
Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba, umuwi ka na sa inyo?

ARTHUR
Ako si Arthur. Manila boy. Makata. At mula ngayon ay nangangako na isang babe na
lamang ang magmamay ari ng aking mga salita. Isang babae na lamang ang aangkin
sa aking mga parirala at bantas. Sa kanyang piling, tila isang bukiring punong puno ng
pangako at buhay na payapa.

Hindi ako perpekto. Marami akong lihim. Marami akong itinatago. Marami akong
kinatatakutan. Marami akong kahinaan. Pero sana, pag natuklasan na niya ang mga
iyon, ay hindi siya magbago. Hindi siya mahulog sa galit. Hindi siya mahawa sa
pagkasuklam. Dahil ang mga kahinaan ko, ang mga lihim ko, ang mga itinatago ko ay
may mga lihim ding dahilan. Ako ay biktima rin lamang ng mga pagkakataon.

CARMELA
Ano bang pinagsasabi mo?

Hindi kikibo si Arthur. Lalapitan si Carmela. Hahalikan ang babae.

ARTHUR

76
Mahal kita, Carmela. At ayoko nang mahiwalay sa iyo.

Hahalikan muli si Carmela. Magpapaubaya si Carmela.

CUT TO:

27. INT. ROOFTOP. GABI
Mabilis na babangon si Carmela para magbihis.

ARTHUR
Carmela, sandali.

Mabilis na nagbihis si Carmela.

CARMELA
Ginagawa mo ba ito dahil may utang na loob ako saiyo?

ARTHUR
Hindi. Mahal kita.

CARMELA
Iyong totoo.

77

ARTHUR
Hindi ko alam. Basta sinusunod ko lang ang nararamdaman ko sa iyo.

CARMELA
Tapos?

ARTHUR
Ikaw. Kung ano ang gusto mo.
CARMELA
Bakit ako? Hindi ka pala sigurado sa ginawa mo.

ARTHUR
Hindi na anamn tayo mga bata ah.

CARMELA
So ano ngayong ang gusto mong mangyari.

ARTHUR
Pakasal tayo.

CARMELA
Hindi mo pa ako kilala. Hindi pa kita kilala.

78

ARTHUR
Hindi ba maaaring bahagi ng pagsasama natin ang pagkilala sa isa’t isa?

CARMELA
Paano kong matuklasan mong hindi pala ako ang taong gusto mong makasama? Pano
kung ako ang makatuklas na hindi pala ikaw ang dapat kong makasama. Anong
mangyayari?

ARTHUR
Hindi ko alam. Basta ang sigurado ako ay ditto sa nararamdaman ko ngayon.
Magriring ang cp ni Arthur.

ARTHUR
O, Lanie. Ang Mama.

BOSES
Emergency Sir Arthur. Umuwi kayo kaagad.

Titingnan ni Arthur si Carmela. Nakatingin na ang babae sa kanya. Akmang lalapitan ni
Arthur si Carmela. Tatalikuran siya ng babae. Mabilis na mag-eempake si Arthur.
Maiiwan niya sa kama ang ilang gamit sa sobrang pagmamadali.

CUT TO:

79
28A. INT. BAHAY NI CARMELA. UMAGA

ARTHUR
Carmela, kausapin mo naman ako please. May emergency sa bahay. Kailangan kong
umuwi. Pagbalik ko, pag-usapan natin to.

Nang hindi pa rin kumikibo si Carmela. Nagpasya na itong umalis. Tatanawin ni
Carmela sa bintana si Arthur. Lalabas ito ng room. Aakyat sa rooftop.

CUT TO:

28B.INT. ROOFTOP. UMAGA

Nakatanga si Carmela sa bed. Marhang tiniklop ag mga kumot. Makikita niya ang
plastic folder ni Arthur.

29. INT. BAHAY NI ARTHUR. GABI

ARTHUR
Mama! Mama! Lanie! Anong nangyari sa Mama?
Makikita ni Arthur ang Mama niya sa sala. Nakatalikod.

80

ARTHUR
Mama?

SANDRA
Ano na ang resulta ng pinagagawa ko saiyo Arthur?

ARTHUR
So hindi totoong may emergency.

SANDRA
Ang tanong ko ang sagutin mo.

ARTHUR
I don’t want to play your game, Ma. Gusto kong magpahinga.

SANDRA
Bumalik ka rito. Kinakausap pa kita.

Tuloy tuloy si Arthur sa kanyang room.

30. INT. BAHAY NI ARTHUR. UMAGA

SANDRA

81

Sa palagay ko naman ay makapagrereport ka na tungkol sa pinagagawa ko saiyo
Arthur.

ARTHUR
Wala pang linaw, Ma.

SANDRA
Anong wala pang linaw? Aalamin mo lang naman sa kanya kung may alam si Carmela
sa lupang naiwan ng kanyang ama.

ARTHUR
Hinahanap pa rin niya ang kanyag ama. At walang makapagsabi kung saan ito
matatagpuan. May binabanggit siyang titulo ng lupa at bahay.

SANDRA
Ha? Anong sinasabi niya tungkol dito?

ARTHUR
Nasa mga kamay daw ng tatay niya ang tiutlo ng lupa at bahay. At iyon ang hinahanap
niya dahil pinaaalis yata ng kamag anak si Carmela tinitirhan niyang bahay. Ibang titulo
ng lupa ang binabanggit niya. hIndi ang 7 ektryang nasa Tigaon.

82

SANDRA
Iyon naman pala e. Eh di atin na ang lupang iyon.

ARTHUR
Ma, hindi yata kaya ng kunsensiya ko.

SANDRA
At anong gusto ong mangyari? Mamulubi tayo. Ibigay sa kanya ang titulo ng lupa?

ARTHUR
Hindi atin iyon Ma.

SANDRA
Magtapat ka nga sa akin Arthur. May nararamdaman ka ba sa Carmelang iyon?

ARTHUR
Hindi siya mahirap mahalin Ma.

SANDRA
Akin na ang mga papeles. Hindi mo maaaring ibigay iyon kay Carmela. May karapatan
tayo sa lupang iyon. Sa mata ng batas, anak ka ng papa mo at isa kang tagapagmana
ng lupang iyon.

83

ARTHUR
O ayan. Sige. Ubusin ninyo. Ibibigay sa ina ang knapsack. Akala mob a hindi ko alam
na nilustay mo lang ang naipong pera ng Papa sa banko dahil sa pagsusugal? Ma,
hindi ka naman dating ganyan.

SANDRA
Nasaan? Nasaan ang mga papeles.

Magtataka si Arthur. Hahanapin sa bag. Wala nga ang papeles.

SANDRA
Nasaan ang mga papeles ng Papa mo?

ARTHUR
Naiwan ko yata sa bahay ni carmela. Babalikan ko. Hindi niya dapat Makita iyon. Hindi
ngayon.

Patakbong tutunguhin ang pinto ng bahay. Pagbukas ng pinto ay bubulaga sa kanila si
Carmela.

Sasampalin ni Carmela si Arthur ng papeles.

CARMELA

84
Ito ba ang hinahanap ninyo? Ito ba!?

ARTHUR
Carmela, magpapaliwanag ako

CARMELA
Pagkatapos ng ginawa mo, sa palagay mo, paniniwalaan ko pa ang mga paliwanag
mo?

ARTHUR
Pero Carmela, marami kang dapat maintindihan bago mo ako husgahan.

CARMELA
Marami kang pagkakataong sabihin ang totoo pero hindi mo ginawa! Hindi mo ginawa.

ARTHUR
Carmela, please.. Mahal kita.

CARMELA
Mahal? Wala ka na bas a katinuan mo?!
Tatakbo si Carmela palayo. Hahabol si Arthur. Maiiwang parang nauupos na kandila si
Sandra.

85

Sa pamamagitan ng tawag at text,sinikap ni Arthur na kausapin si Carmela. Pero
Matigas si Carmela. Ayaw na nitong makipag usap kay Arthur. Pinuntahan niya ito sa
bahay pero nabigo pa rin si Arthur. Naging miserable ang buhay ni Arthur. Bumalik ito
sa depression.

CUT TO:

1D. LOOB NG BAHAY. UMAGA
Hahawakan ng babae ang mga papeles, ang mga titulo ng lupa.

31.INT. BAHAY NI CARMELA. UMAGA

Darating si Tia Bening. Tuoy-tuloy ito sa loob ng bahay. Igagala ang mga mata sa
kabuuan ng bahay.

TIA BENING
Carmela, Carmela! Moy god, hanggang nagyon ay hindi ka pa rin nakakapagempake!
Kailanga mo pa ban g court order para lisanin ang pamamahay ko?

Lalabas si Carmela. May hawak na papeles.

CARMELA
Hindi nyo na kailangang kumuha ng court order. Court order na itong hawak ko.

86

Ibibigay kay Tia Bening ang mapa papeles. Gulat ang tiyahin. Mauuwi sa mapaklang
ngiti ang mukha nito. Nakatingin pa rin ng diretso si Carmela sa tiyahin.

CARMELA
May kailangan pa ba tayong pag-usapan, tiyang?

Iiling lamang si Tia Bening at ngiting asong nagmamadaling lalabas ng bahay ni
Carmela.

Mahihilo si Carmela. Aagapan ni Vicky.

CUT TO:

32.INT. BEDROOM. HAPON

DOKTOR
Normal lamang iyang pagkahilo mo paminsan-minsan at ang pagsusuka sa umaga.
Lahat ng nagbubuntis ay dumadaan diyan. O paano misis, mauna na ako. Ingatan mo
ang iyong kalusugan para sa anak mo.
Hindi kikibo si Carmela.Blanko ang mukha nito.

VICKY

87
O friend, narinig mo ang sabi ng doctor.

Iiyak si Carmela.

VICKY
O teh, huwag, maksasama iyan sa dinadala mo.

CARMELA
Kailangang mawala ang batang ito. Kailangang mawala ang batang ito.

VICKY
Huwag Carmela. Baka kung mapaano ang bata!

CARMELA
Ayoko nito.

Pagsusuntukin ni Carmela ang tiyan. Pipigilan siya ni Vicky.

VICKY
Diyos ko, Carmela! Dinudugo ka!

33. INT. SALA. UMAGA

88

SANDRA
Carmela.

CARMELA
Anong kaiangan mo rito?

SANDRA
Makinig ka muna Carmela. Hindi kayo magkapatid ni Arthur. Buntis na ako
nangmatagpuan ko ang Tatay mo na hindi maaalal ang lahat. Sa takot na matuksanan
ng magulang ko na nagtiwala ako sa saing lalaki na ayaw akong panagutan, kunupkop
ko ang tatay mo at pinaniwalang ako ang kanyang asawa. Hindi ko alam na sa ganito
hahantong ang lahat. Patawarin mo ako.

CARMELA
Nagwa niyo na ang lahat. Karapatan kong magtanim ng galit sainyo ngayon dahil sa
ginawa niyo. Huwag na lamang po kayong magpapakitang muli sa akin at ang iyong
anak.

SANDRA
Pero Carmela, si Arthur, mahal na mahal ka ng anak ko, kailangan ka niya

Ilalayo lamang ni Carmela ang tingin sa bisita.

89

SANDRA
Parang awa mo na sa anak ko…Carmela

1E. INT. LOOB NG BAHAY. UMAGA

VICKY
Sigurado ka na ba sa disesyon mo Carmela?
CARMELA
Oo, Vicky,. Matagal ko ng pinag-isipan ito.

1F.EXT. PUBLIC CEMETERY. HAPON

CARMELA
Nakikiramay ako sa inyo Lisa. Pasensiya na kung hindi ko na naabot ang burol ni …ng
asawa mo.

LISA
Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Carmela.

Tatango lamang si Carmela.

LISA
Hanggang sa huling sandal, ipinagbilin niyang ihingi ko siya ng tawad sa iyo.

90

CARMELA
Matagal ko nisyang pinatawad. Hindi niya lamang mapatawad ang kanyang sarili.

LISA
Matutuwa iyon saan man siya naroroon.

CARMELA
Gusto ko ring iabot saiyo ito.

LISA
Ano ito? Titulo ng lupa? At kasulatan na ibinibigay ninyo sa amin?

CARMELA
Umuwi kayo ng probinsiya Lisa. Huwag kayong makipagsisikan sa lungsod habang
nakatiwangwang ang maraming lupa sa kanayunan. Ang lupang iyan ay minsan nang
dumaan sa kamay ng asawa mo-ni Arthur. Kung sino ang totoong nagmamay ari ng
lupa ay hindi kayang patunayan ng papeles at mga titulo lamang. Ang lupa ay dati nang
nandito bago pa man dumating ang tao. Nakapagtatakang maraming tao
angnagkakandarapa na magmay-ari ng lupa. Paano mo aariin ang isang bagay na
nauna pa sa iyo. Hayaang mong ang lupang iyan ang maging daan upang magliwanag
ang kinabukans ng mga anak ninyo.

91

LISA
Maraming salamat Carmela. Napakabuti mo. Hindi ko alam kung paano kami
makakaganti sa iyo.

CARMELA
Sa ibang taong nangangailangan kayo gumanti, Lisa.

1G. INT. ROOFTOP. HAPON

VICKY
Kanina pa kita hinahanap, nadito ka lang pala sa rooftop. Ano na naman ba ang iniisip
mo? Nanghihinayang ka ba sa ipinamigay mong lupain?

CARMELA
Hindi. Natutuwa nga ako at malaking bagay ang maitutulong nito sa mga anak ng
lalaking minsan ay kumatok sa puso ko. At dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat.

CUT TO: FLASHBACK

ARTHUR
Ako si Arthur. Manila boy. Makata. At mula ngayon ay nangangako na isang babe na
lamang ang magmamay ari ng aking mga salita. Isang babae na lamang ang aangkin

92

sa aking mga parirala at bantas. Sa kanyang piling, tila isang bukiring punong puno ng
pangako at buhay na payapa.

Hindi ako perpekto. Marami akong lihim. Marami akong itinatago. Marami akong
kinatatakutan. Marami akong kahinaan. Pero sana, pag natuklasan na niya ang mga
iyon, ay hindi siya magbago. Hindi siya mahulog sa galit. Hindi siya mahawa sa
pagkasuklam. Dahil ang mga kahinaan ko, ang mga lihim ko, ang mga itinatago ko ay
may mga lihim ding dahilan. Ako ay biktima rin lamang ng mga pagkakataon.

LALABAS ANG CLOSING CREDITS

1H. AIRPORT. UMAGA
Lalapag na eroplano. Lalabas ang mga pasahero patungo sa mga naghihintay na
sasalubong.

CARMEN
Mama,!

CARMELA
Carmen, anak.

CARMEN

93

Mama, I miss you. Mama, hindi na ako papayag na sa pagbabalik ko sa Amerika ay
hindi ko kayo kasama.

CARMELA
Sige anak.

END